Ako si Magnolia. Nagsisimba ako sa isang ward na Espanyol ang wikang ginagamit. Isang araw pumunta si Mia sa klase namin sa Primary. Ingles lang ang alam niyang wika. Gusto kong madama ni Mia na kabilang siya, kaya nagpasiya akong tulungan siya. Ako ang kanyang magiging interpreter !
Noong una nahirapan akong umagapay sa pag-interpret para kay Mia. Binagalan ng mga guro ang pagsasalita para mabigyan ako ng sapat na panahon. Masaya kaming lahat na matulungan si Mia.
Pareho kaming nabinyagan at nakumpirma. Pareho kaming mahilig sa musika, lalo na sa mga awitin sa himno at sa Primary. Pareho naming gusto ang family home evening. At pareho naming gustong basahin ang mga kuwento sa Liahona.
Ako si Mia. Espanyol ang salita ng mga magulang ko, kaya nagsimba kami sa ward na Espanyol ang wikang ginagamit. Hindi ko maunawaan kung ano ang sinasabi ng mga tao. Nakita ni Magnolia na malungkot ako. Lumipat siya sa tabi ko at bumulong sa akin sa wikang Ingles.
Pagkatapos ng Primary, tinanong ko si Magnolia kung puwede ko siyang maging kaibigan. Pumayag siya. Mula noon, naging kaibigan at interpreter ko na si Magnolia. Tinulungan din niya akong magkaroon ng iba pang mga kaibigan.
Kahit sino ay puwedeng makatulong sa mga tao, tulad ng pagtulong sa akin ni Magnolia. Manalangin. Ipapaalam sa iyo ng Ama sa Langit kung sino ang tutulungan. Parang katulad lang ito ng awiting, “If the Savior Stood Beside Me” (Friend, Okt. 1993, 14). Maaari nating subukang gawin ang ipinagagawa sa atin ni Jesus.
Mga Tip mula kina Mia at Magnolia:
Kung may isang tao na:
Bago lang sa simbahan o paaralan, ipadama sa kanya na kabilang siya.
Di-gaanong nagsisimba, isama mo siya sa pagsisimba.
Inaapi o sinasaktan, ipagtanggol siya. Magsumbong sa guro ninyo.
Mukhang malungkot, isali mo siya.
Kailangan ng kaibigan, kaibiganin mo siya. Sa pahintulot ng mga magulang mo, yayain mo siyang maglaro sa bahay ninyo.
Kung marunong ka ng ibang wika, magboluntaryo kang mag-interpret.
Paano ka magpapakita ng pagmamahal sa pagtulong sa iba? Bakatin ang kamay mo at ipadala sa amin ang iyong kuwento at retrato, kasama ang pahintulot ng iyong magulang. Bumisita sa liahona.lds.org o mag-email sa liahona@ldschurch.org .