“Ang mga ama ay nagbabasbas at nagsasagawa ng mga sagradong ordenansa para sa kanilang mga anak. Ito ang magiging pinakamahalagang espirituwal na pangyayari sa kanilang buhay. Ang mga ama ang personal na namumuno sa mga panalangin ng pamilya, araw-araw na pagbabasa ng banal na kasulatan, at lingguhang family home evening. Ang mga ama ang lumilikha ng mga tradisyon sa pamilya… Ang mga espesyal na panahong ito na magkakasama ang pamilya ay hinding-hindi malilimutan ng kanilang mga anak. Regular na kinakausap nang sarilinan ng mga ama ang kanilang mga anak at tinuturuan sila ng mga alituntunin ng ebanghelyo. Itinuturo ng mga ama sa kanilang mga anak ang kahalagahan ng pagtatrabaho at tinutulungan silang magtakda ng mabubuting mithiin sa sarili nilang buhay. Ang mga ama ay nagpapakita ng halimbawa ng katapatan sa paglilingkod sa Simbahan. Tandaan sana ninyo, mga kapatid, ang inyong sagradong tungkulin bilang ama sa Israel—ang inyong pinakamahalagang tungkulin sa panahong ito at sa kawalang-hanggan.”
Elder L. Tom Perry ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Pagkakaroon ng Walang-Hanggang Kapayapaan at Pagbubuo ng mga Walang-Hanggang Pamilya,” Liahona, Nob. 2014, 44–45.