Habang nirerepaso ninyo ang pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2014, magagamit ninyo ang mga pahinang ito (at ang mga Notebook ng Kumperensya sa susunod na mga isyu) para matulungan kayong pag-aralan at ipamuhay ang mga itinuro kamakailan ng mga buhay na propeta at apostol at ng iba pang mga pinuno ng Simbahan.
Suriin ang “personal na paggamit ninyo ng bawat kasangkapan; pagkatapos ay hangarin ang patnubay ng Panginoon para malaman kung paano ninyo higit na mapapakinabangan ang bawat isa sa mga ito.” —Elder Richard G. Scott, “Unahin Ninyong Manampalataya,” 93.
Para mabasa, mapanood, o mapakinggan ang mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, bisitahin ang conference.lds.org.