2015
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Marso 2015


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang ideya.

illustration of a path in form of question mark

“Kapag Nagkaroon ng mga Pag-aalinlangan at Tanong,” pahina 38: Matapos basahin ang artikulo, isiping talakayin bilang pamilya ang pagkakaiba ng mga tanong at pag-aalinlangan. Basahin ang mga salaysay tungkol sa mga tao sa mga banal na kasulatan na nagkaroon ng mga tanong at kung ano ang ginawa nila tungkol sa mga ito (halimbawa, 1 Nephi 11; Eter 2:19–3:16; Joseph Smith—Kasaysayan 1:10–19; o ang mga reperensya sa ilalim ng endnote 1 sa artikulo).

Maaari ninyong hilingin sa ilang miyembro ng pamilya na banggitin ang ilang tanong nila. Pagkatapos ay gamitin ang mga banal na kasulatan, lds.org/topics, o mga personal na karanasan para mahanap ang mga sagot. Ang pagpapaibayo ng integridad at katapatan sa tahanan ay makakatulong sa mga miyembro ng pamilya na magtanong nang walang pangamba anuman ang maisip nila.

“Paghahanda para sa Paskua,” pahina 70: Bago mag-family home evening, maaari ninyong isulat sa mga piraso ng papel ang ilang hamon sa araw-araw. Halimbawa, “Nagalit ka nang ayaw kang pahiramin ng kapatid mo ng laruan,” o “Napansin mo isang gabi na mukhang malungkot ang tatay mo pag-uwi niya mula sa trabaho.” Hilingin sa inyong mga anak na maghalinhinan sa pagpili ng isang papel, pagbasa sa sitwasyon, at pagmungkahi kung paano nila matutularan ang Tagapagligtas sa sitwasyong iyon. Simulan ang aktibidad sa Paskua na nasa artikulong ito at anyayahan ang bawat anak ninyo na tanggapin ang hamon na alamin ang tungkol kay Jesucristo at sundan ang Kanyang halimbawa sa loob ng pitong araw.