2015
Kailan Ako Dapat Magsumbong?
Marso 2015


Kailan Ako Dapat Magsumbong?

Kailan Ako Dapat Magsumbong?

Kung may isang tao na—

  • Gumagawa ng masama

  • Umiinom ng gamot na hindi inireseta sa kanila

  • Kumakain, umiinom, o sumisinghot ng isang bagay na kakaiba

  • Sinasaktan ang kanilang katawan

  • Gumagawa ng isang bagay na ayaw nilang malaman ng matatanda

Kung may isang tao na—

  • Pinipilit kang gawin ang anuman mula sa nakalista sa itaas

  • Nagpapakita ng mga larawan ng mga taong nakahubad

  • Sinasabihan kang tingnan o hawakan ang kanilang katawan o ipatingin o pahawakan mo sa kanila ang iyong katawan

  • Inuutusan ka na ilihim ang isang bagay na alam mong mali

  • Nananakot o walang galang makipag-usap sa iyo o sa ibang tao—nang harapan, sa pamamagitan ng text, o online

Kung may anuman—

  • Na sa pakiramdam mo ay nanganganib ka o asiwa ka

  • Na tila hindi tama o pakiramdam mo ay masama

    Makinig sa Espiritu Santo at magtiwala sa nararamdaman mo!

Kanino Ako Dapat Magsumbong?

  • Sa magulang, lolo o lola, o tagapag-alaga

  • Guro o tagapayo sa paaralan

  • Guro o lider sa Simbahan

  • Nakatatandang kapatid na lalaki o babae

  • Doktor

  • Isang kaibigan na matutulungan ka na magsumbong sa isang matanda

Hindi mo kailangang itagong mag-isa ang sekreto. Matutulungan ka ng isang matanda na malaman kung ano ang dapat mong gawin. Magsumbong ka lang sa mga tao hanggang sa makuha mo ang tulong na kailangan mo.

Maging matapang! Ikaw ay malakas. Ang pagsasalita at pagsusumbong ay makatutulong sa iyo at sa iba pa na maging ligtas!