36
Diyos Natin ay Moog na Matibay
May dangal
Diyos ay moog na matibay,
’Di matinag na tanggulan.
Sa ’ti’y laging kaagapay,
Pagdusa’y pinagwagihan.
Nagapi N’yang lahat,
S’ya ang Manlilikha,
Tayo ay niligtas
Mulang kasalanan.
S’ya’y hari magpakailanman.
Titik: Martin Luther, 1483–1546, iniangkop
Himig: Ipi. kay Martin Luther