34
O Bawat Nilalang ng Diyos
May pagdiriwang
1. O bawat nilalang ng Diyos,
S’ya ay purihin nang lubos,
Aleluia! Aleluia!
O araw na kayliwanag, At ang buwan na sakdal dilag,
Aleluia! Aleluia!
Aleluia! Magpuri! Aleluia!
2. O hanging napakalakas,
Ulap sa langit kaytaas,
Aleluia! Aleluia!
Magdiwang at mangagpuri
Sa umaga hanggang gabi,
Aleluia! Aleluia!
Aleluia! Magpuri! Aleluia!
3. O umaagos na tubig,
Sa Diyos magalay ng tinig,
Aleluia! Aleluia!
O alab na kayliwanag,
Sa tao’y init at sinag,
Aleluia! Aleluia!
Aleluia! Magpuri! Aleluia!
4. Ating Inang Kalikasan
Na pagpapala ang laan,
Aleluia! Aleluia!
Mga bulaklak at bunga,
L’walhati N’ya’y ipakita,
Aleluia! Aleluia!
Aleluia! Magpuri! Aleluia!
Titik: San Franciso ng Assissi, 1182–1226; isi. sa Ingles ni William H. Draper, 1855–1933
Himig: Geistliche Kirchengesänge, Koln 1623, ina. Ralph Vaughan Williams, 1872–1958. Himig hinalaw mula sa English Hymnal sa pahintulot ng Oxford University Press. Ang paggawa ng mga kopya nang walang kasulatang pahintulot ng may-ari ng karapatang-sipi ay ipinagbabawal.