38
Luwalhati at Papuri
Matagumpay
1. L’walhati at papuri
Sa Nyo aming Hari,
Hosana ang alay ng
Mga batang munti.
Kayo’y Hari ng Israel,
Sa lahi ni David,
Sa ngalang ng Diyos, dito
Ay darating muli.
2. Mga angel sa langit,
Nagpupuri sa ’Nyo,
Lahat ng nilikha
N’yo’y Dagling tumutugon.
Mga Hebreo’y nagpugay,
Tangan ay palaspas;
Papuri at pag-ibig,
Alay naming wagas.
3. Noo’y kan’lang alay ang,
Nagpupuring tinig:
Ngayong Kayo’y dakila,
Alay nami’y himig.
Ang kanilang papuri’y
Tinanggap N’yong lubos,
Pag-ibig naming alay,
Ay tanggapin, O Diyos.
Titik: Theodulph of Orleans, ca 760–821
Himig: Melchior Teschner, 1584–1635