99
Habang Aming Tinatanggap
May pananampalataya
1. Habang aming tinatanggap
Itong sakramento,
Ang tanging nasa isip ay
Pag-ibig ni Cristo.
Biyaya N’yong sa ’mi’y alay
Ay itinuturing,
Ang buhay na walang hanggan
Ay sa Inyo galing.
2. Habang kahapo’y gunita,
Kami’y nagsisisi,
Landas Ninyo’y kabutihan,
Dapat naming sundin.
Pagpapatawad N’yo sa ’mi’y
Tapat naming hiling,
Pagtanggap ng sakramento,
Pangako’y tutupdin.
3. Habang ngala’y pinupuri
Sa aming awitin,
Biyaya N’yo sa ’ming puso,
Sana ay taglayin.
Hiling nami’y tapang upang
Nais Ninyo’y gawin,
Kayo’y mahal naming tunay
At laging susundin.
Titik: Lee Tom Perry, p. 1951. © 1985 IRI
Himig: Daniel Lyman Carter, p. 1955. © 1985 IRI