Musika
Pumayapa, Aking Kaluluwa


71

Pumayapa, Aking Kaluluwa

Mapayapa

1. Pumayapa, aking kaluluwa:

Tiisin mo, pasakit at dusa.

Hayaan mong ang Diyos ang maglaan;

S’ya ay tapat magpakailanpaman.

Pumayapa: aking kaluluwa:

Sa dulo ng landas, may ligaya.

2. Pumayapa, aking kaluluwa:

Diyos ang patnubay mo at kalinga.

Pag-asa mo ay h’wag mapaparam,

Bawat hiwaga’y may kasagutan.

Pumapaya: ang alon at hangin,

Tinig N’ya ay palaging susundin.

3. Pumayapa, aking kaluluwa:

Walang hanggang makakapiling S’ya,

Paglipas ng bawat pagdurusa,

At pagkamit ng bawat ligaya.

Pumayapa: Pagpawi ng luha,

Ligtas tayong muling magkikita.

Titik: Katharina von Schlegel, p. 1697; isi. ni Jane Borthwick, 1813–1897

Himig: Jean Sibelius, 1865–1957. Ina. Karapatang-sipi, 1933 ng Presbyterian Board of Christian Education; pinanibago, 1961; mula sa The Hymnal. Ginamit nang may pahintulot ng The Westminster Press, Philadelphia, Pa. Ang paggawa ng kopya nang walang kasulatang pahintulot ng may-ari ng karapatang-sipi ay ipinagbabawal.

Awit 37:3–9

Doktrina at mga Tipan 101:14–16, 35–38