1— ’Singtibay ng kabundukan,
May paninindigan,
Sa itinatag na saligan
Dito sa ating bayan;
Saligang dangal, kabutihan
At pananampalataya,
Sa Diyos na dinadakila
Dito sa ’ting lupa.
Ang disyerto’y umaawit:
Adhikain ninyo’y ituloy!
Sa bundok man ay rinig din:
Adhikain ninyo’y ituloy!
Bandila’y ating tangan,
Sa umaga’y susulong.
O kabataang pangako,
Adhikain ninyo’y ituloy!
2Kan’lang simulai’y buhayin
Para sa ’ting Hari.
Sa Kanya ay ating dadalhin
Mga awit papuri.
Ang pamanang sa ati’y iniwan,
’Di ginto o kayamanan,
Sa halip ay isang biyaya:
Ligayang walang hanggan.
Ang disyerto’y umaawit:
Adhikain ninyo’y ituloy!
Sa bundok man ay rinig din:
Adhikain ninyo’y ituloy!
Bandila’y ating tangan,
Sa umaga’y susulong.
O kabataang pangako,
Adhikain ninyo’y ituloy!
Titik: Ruth May Fox, 1853–1958. © 1948 IRI
Himig: Alfred M. Durham, 1872–1957. © 1948 IRI