200 Mga Anak ng Diyos Kalalakihan May tapang 1. Mga anak ng Diyos, may pagkasaserdote; Ipahayag ninyo, banal na ebanghelyo. Nagsimula na’ng gawain, Ang Israel ay tipunin, Nang sa Sion nila purihin ang Diyos. 2. Nawalay na tupa, inyong Pastol ay dinggin. Ang mga biyaya, halina’t inyong kamtin. ’Pinangako ng propeta, Kayo ay titipunin N’ya. Do’n sa Sion ninyo purihin ang Diyos. 3. Upang mabinyagan, sala ay pagsisihan. Espiritu Santo ay t’yak na makakamtan. Ipasa-Diyos ang pangamba, Dalangin n’yo’y diringgin N’ya. Nang sa Sion ninyo purihin ang Diyos. 4. Paglipas ng hirap, wakas na’ng bawat lumbay Inyong hihintayin, muli n’yong pagkabuhay. At ang ligaya n’yo’y lubos Sa langit kapiling ng Diyos. At sa Sion laging purihin ang Diyos. Titik: Thomas Davenport, 1815–1888 Himig: Orson Pratt Huish, 1851–1932 Doktrina at mga Tipan 33:5–11 Doktrina at mga Tipan 133:7–8, 56