Musika
Mga Banal, Halina


23

Mga Banal, Halina

May tibay ng loob

1. Mga Banal, halina’t gumawa,

Maglakbay sa tuwa.

Mahirap man ang ’yong kalagayan,

Biyaya’y kakamtan.

Makabubuting magsikap

Nang pighati’y ’di malasap.

Ligaya ay madarama—

Kay-inam ng buhay!

2. Ba’t luluha sa hirap at dusa?

Lahat may pag-asa.

Gantimpala ay ’di matatamo

Kung ika’y susuko.

Maging handa at magiting,

Ang Diyos ’di lilimot sa ’tin.

Ihahayag ang salaysay—

Kay-inam ng buhay!

3. Makikita, lugar na ’nilaan

Doon sa Kanluran.

Do’n kung saan may kapayapaan,

Biyaya at yaman.

Mga papuri’y awitin

Alay sa Hari’t Diyos natin.

Ito ang isasalaysay—

Kay-inam ng buhay!

4. At masawi man sa ’ting paglakbay,

Masaya, kay-inam.

Malaya na sa hirap at dusa,

Mat’wid ay kasama.

Ngunit kung tayo’y maligtas

At pahinga ay matangap,

Aawit nang buong sigla—

Kay-inam ng buhay!

Titik: William Clayton, 1814–1879

Himig: Katutubong Awit na Ingles

Doktrina at mga Tipan 61:36–39

Doktrina at mga Tipan 59:1–4