52 Salamat sa Ating Diyos May sigla 1. Salamat sa ating Diyos, Pagpapala N’ya’y lubos. Aniha’y natapos na, Dumating man ang sigwa. Diyos ang S’yang naglalaan Ng ating kailangan. Sa templo ng Diyos Ama, Halina, O halina. 2. Diyos ang S’yang nagtatanim Sa mundong Kanyang hardin. Ang palay at ang damo, Sa lupa’y magkahalo. Sa pagusbong ng bunga, May papuri sa Ama. Sa Diyos ay aming hiling, Kami ay dalisayin. Titik: Henry Alford, 1810–1871 Himig: George J. Elvey, 1816–1893 Doktrina at mga Tipan 86:1–7 Marcos 4:26–28