185
Bawat Buhay na Dumantay
May pagninilay
1. Bawat buhay na dumantay
At sami’y nagpatibay,
Biyaya N’yo sa’min, O Diyos,
At saksi ng pag-ibig N’yo.
2. Handog Ninyong sakdal inam
Ang kaibigang mapagparam;
Ang pagsunod n’ya kay Cristo
Ang s’yang lakas ng buhay ko
3. Sa paglisan ng kaibigan
Ay nasa puso kailanman
Ang kanyang gunita, O Diyos,
Gabay ko tungo sa Inyo.
4. Sa mga kaibigang lubos
Na mahal ang Manunubos,
Na kapayapaa’y dulot,
Pupurihin Kayo, O Diyos.
Titik: Karen Lynn Davidson, 1943–2019. © 1985 IRI
Himig: A. Laurence Lyon, 1934–2006. © 1985 IRI