1. O pananalig ng ating lahi,
Sa t’wina ay na nanatili.
Magdusa man kami’y maligaya,
T’wing diringgin, Kanyang salita.
[Chorus]
O pananalig na wagas,
Kami’y tapat hanggang wakas!
2. O pananalig ng ating lahi,
Sa bawat baya’y ilalapit;
Katotohanang sa Diyos nagmula
Ang sa tao’y magpapalaya.
[Chorus]
O pananalig na wagas,
Kami’y tapat hanggang wakas!
3. O pananalig ng ating lahi,
Bawat tao ay mamahalin,
At sa lahat ay ipapabatid,
Sa salita’t gawang matuwid.
[Chorus]
O pananalig na wagas,
Kami’y tapat hanggang wakas!
Titik: Frederick W. Faber, 1814–1863
Himig: Henri F. Hemy, 1818–1888; koro, James G. Walton, 1821–1905