106
Ama, Kami’y Nananalig
May tibay ng loob
1. Ama, kami’y nananalig
Sa Inyong pangako.
Salita N’yo’y tanggapin namin
Sa isip at puso.
2. Kami ngayo’y nagsisisi
Sa ’ming mga sala,
At amin nang pipiliin
Ang landas na tama.
3. O Diyos, dalangin po’y dinggin,
Magpatawad sana;
Bagong buhay ay igawad
Maging sa may sala.
4. Sakramento’y aming tanggap
Sa ngalan ni Cristo,
Nang sa tipan ay makamit,
Espiritu Santo.
5. Sa tubig ay ililibing
Sa ngalan ni Cristo;
At pagbangon, aming dama,
Espiritu Santo.
6. O binyagan kami nitong
Espiritu Santo,
Upang makapiling sila
Na naligtas Ninyo.
Para sa sakramento, awitin ang taludtod 1-4.
Para sa serbisyo ng pagbibinyag, tanggalin ang taludtod 4.
Titik: Parley P. Pratt, 1807–1857. bin.
Himig: Jane Romney Crawford, 1883–1956