Musika
Sa Tatag N’yaring Kabundukan


25

Sa Tatag N’yaring Kabundukan

May sigla

1. Sa tatag n’yaring kabundukan,

Aming Diyos, salamat po.

Kami’y Inyong ginawaran,

Ng lakas at kaligtasan.

Ginabay ang liping Israel,

Sa tahanang laan.

2. Sa kamay ng mga kalaban,

Kami nga ay nagdusa,

Tulong N’yo sa kahinaan

Ang S’yang nagpalakas t’wina.

Sa harap nitong kalaban,

Sumulong, pagod man,

Sa tatag n’yaring kabundukan,

O Diyos, salamat po.

3. Dito ay ligtas N’yong inakay,

Sa bundok na tanggulan.

Upang mapangalagaan,

ang mula sa ibang bayan.

Para sa saganang lupa

At agos ng ilog,

Sa tatag n’yaring kabundukan,

O Diyos, salamat po.

4. Kami ay tanod ng liwanag,

Na ’di dapat magdilim,

Kami’y bantay ng dambana

Sa langit na kaytahimik.

Tapang na sa Diyos nagmula,

Makikita rito,

Sa tatag n’yaring kabundukan,

O Diyos, salamat po.

Titik: Felicia D. Hemans, 1773–1835; ini. ni Edward L. Sloan, 1830–1874

Himig: Evan Stephens, 1854–1930

Awit 95:1–7