163
May Pananampalatayang Sumulong
May sigla
1. May pananampalatayang
Sumulong kang lubos;
Itanghal sa mundo na si
Cristo’y Anak ng Diyos.
Buong pag-asang ihayag
Ang wika sa madla,
Na bawat tao sa mundo’y
Anak ng Diyos Ama.
2. Sumulong nang may pag-ibig,
Mundo’y balitaan
Ng ligaya sa mag-anak
Na magpakailanman.
Maglingkod nang buong husay,
Biyaya’y ’di asam,
Nang bunga ng paglilingkod
Sa Diyos ay makamtan.
3. Sulong, iyong ipabatid
Yaring ebanghelyo,
Nang buhay na walang hangga’y
Makamtan kay Cristo.
Sumulong, ipangaral mo,
Ligaya’t pag-ibig
Nag magpapuri sa ’ting Diyos
Ang makaririnig.
Titik: Ruth M. Gardner, 1927–1999. © 1985 IRI
Himig: Lyall J. Gardner, b. 1926. © 1985 IRI