18
Ang Aming Propeta’y Basbasan Nawa
May pananalangin
1. Ang aming propeta
Ay basbasan nawa,
O Diyos Ama.
Sa aming kalul’wa,
Ang bawat N’yang wika,
Manatili’t maging
Gabay t’wina
2. Inyong kaharian,
Saad ng propeta,
Lalaganap.
Katotohanan ay
Ilaw sa ’ming buhay,
Dakilang layunin
Ang s’yang hanap.
3. Ang pagkakaisa
Ng Diyos Ama’t Anak,
Nawa’y kamtin.
Sa diwa at gawa,
Mga Banal nawa’y
Walang hanggang tapat
At magiting.
Titik: Bernard Snow, 1822–1894, bin.
Himig: Harry A. Dean, 1892–1987. © 1985 IRI