61
Diyos ang Gabay
May tatag
1. Sa langit, ating dalangin:
Diyos ang gabay;
Layuning dakila’y atin:
Diyos ang gabay.
Kabutiha’y nakatala,
Tagumpay ang s’yang biyaya:
Diyos ang gabay,
Diyos ang gabay.
2. Ulitin, ating pagsamo:
Diyos ang gabay;
Masawi ma’y ’di susuko:
Diyos ang gabay.
Tulad ng mga mabuti,
Mabigo ma’y mal’walhati:
Diyos ang gabay,
Diyos ang gabay.
3. Matatag at matiisin:
Diyos ang gabay;
Panganib ay susuungin:
Diyos ang gabay.
Pagsubok, ’di alintana,
Langit ang matatamasa:
Diyos ang gabay,
Diyos ang gabay.
Titik: William E. Hickson, 1803–1870
Himig: Ernst Moritz Arndt, 1796–1860