45
Gabayan Kami, O Jehova
Maringal
1. Gabayan, kami, Jehova,
Sa lupang ’pinangako.
Lakas N’yo’y aming kailangan;
Kami ay akayin N’yo.
O Espiritung Dakila,
Sa ’mi’y magbigay lakas, ng lakas,
Hanggang sa pagdating N’ya.
2. O Jesus nawa’ng biyaya
Ng Sion ay ibigay.
Haliging apoy at ulap,
Tanod nami’t patnubay.
O Dakilang Manunubos,
Ipagkaloob sa ’min, sa amin,
Araw na hintay namin!
3. Pag nagsimula’ng pagguho,
Pangamba ay pawiin;
Kung hatol N’yo’y ang paggunaw,
Sa Sion kami’y dalhin,
At doon kami aawit
Ng papuri sa Inyo, sa Inyo,
Ng papuri sa Inyo.
Titik: William Williams, 1717–1791. Unang taludtod isi. ni Peter Williams, 1722–1796
Himig: John Hughes, 1873–1932