128
Dinggin! Awit ng Anghel
May lakas
1. Dinggin! Awit ng anghel:
L’walhati kay Immanuel!
Pumayapa ang mundo,
Tao’t Diyos, nagkasundo!
Bawat baya’y magba-ngon;
Sa langit ay umayon;
Ihayag nang may sigla:
Si Cristo’y ’sinilang na!
[Chorus]
Dinggin! Awit ng anghel:
L’walhati kay Immanuel!
2. Hari ng Kapayapaan!
Sugo ng Kabutihan!
Buhay at tanglaw rito,
Kaloob N’ya sa tao.
S’ya rito ay ‘sinilang,
Winaksi’ng kamatayan;
Sa lahat, Kanyang alay,
Ang muling pagkabuhay.
[Chorus]
Dinggin! Awit ng anghel:
L’walhati kay Immanuel!
Titik: Charles Wesley, 1701–1788
Himig: Felix Mendelssohn, 1809–1847