Musika
Ako Ba’y May Kabutihang Nagawa?


135

Ako Ba’y May Kabutihang Nagawa?

Maningning

1. Ako ba’y may kabutihang nagawa?

Ako ba ay nakatulong na,

Nakapagpasaya, nakapagpasigla?

Kundi ay bigong talaga.

May napagaan bang pasanin ngayon

Dahil ako ay tumulong?

Ang mga nanghihina, nalunasan ba?

Nang kailangan ako’y naro’n ba?

[Chorus]

Kumilos at h’wag mangarap

Ng biyayang naghihintay.

Paggawa ng mabuti ay kaligayahan,

Biyaya ng pagmamahal.

2. Sa ngayo’y marami pang maitutulong,

Pagkakatao’y naririyan.

H’wag mo nang hayaang ipagpabukas pa,

Kumilos na at gumawa.

Dakila sa tao ang makatulong,

Ito ay kahanga-hanga.

Ang matulunging tao’y kilala ng Diyos,

Bawat kabutihan n’yo’y talos.

[Chorus]

Kumilos at h’wag mangarap

Ng biyayang naghihintay.

Paggawa ng mabuti ay kaligayahan,

Biyaya ng pagmamahal.

Titik at himig: Will L. Thompson, 1847–1909, bin.

Santiago 1:22, 27

Alma 9:28