159
Tulungan Akong Magturo
Mataimtim
1. Tulungan akong magturo
Na Kayo’ng aking gabay.
Hangarin ng kapwa sana’y
Maturuang mag-alay.
2. Kapwang sa kadiliman,
Sana ay magabayan.
Na landas N’yong mal’walhati
Ay kanyang matagpuan.
3. Isip ko’y bigyang-liwanag,
Tinig ko’y bigyang-saysay.
Puso’y sidlan ng pag-ibig;
Dantayan, aking kamay.
4. Tulungang aking mahanap,
Tupa N’yong nawawalay.
Diyos, nawa ako’y turuang
Maging pastol na tunay.
Titik at himig: Lorin F. Wheelwright, 1909–1987. © 1958, 1985 Lorin F. Wheelwright. Ang himnong ito ay maaaring kopyahin para sa isahan, di-pangkalakal na gamit sa simbahan o tahanan.