180
O Kayganda ng Templo N’yo, Panginoon
Mataimtim
1. O kayganda ng templo N’yo, Panginoong mahal.
Kung sa’n sagrado’ng gawain Nating mga Banal.
Kay inam bigyan ng tulong, Mga yumao na,
Kan’lang espiritu’y buhay At naghihintay pa.
2. O kayganda, Panginoon, N’ya ring ebanghelyo.
Ngayong mga huling araw, Muling ’tinuturo.
Kayganda ng pananalig, Bunga’y kaligtasan.
Alay natin sa yumao Nang sangkatauhan.
3. O kayganda, Panginoon, Pangako N’yong laan.
Kung wika N’yo ay susundin, T’yak ang kaligtasan.
Kung mag-anak ay ’binuklod Sa templong sagrado,
Sila’y kapiling sa walang Hanggang pag-unlad ko.
Titik: Frank I. Kooyman, 1880–1963. © 1948 IRI
Himig:Tracy Y. Cannon, 1879–1961. © 1948 IRI