116 Dakilang Karunungan at Pagibig Mahinahon 1. Dakilang karunungan at pag-ibig, Sa kalangita’y naghari At ’sinugo ang Tagapagligtas Upang magdusa’t masawi. 2. Ibinuhos N’ya ang sariling dugo, Buhay N’ya ay isinuko: Ang walang salang alay sa tao Upang iligtas ang mundo. 3. Si Jesucristo ang S’yang nagtagumpay Sa dakila N’yang pagsunod. “Nais N’yo, O Diyos, ang tutupdin ko,” Buong buhay S’yang naglingkod. 4. Namuno S’ya at landas ay ’tinuro, Lahat ng bagay ay tungo Sa liwanag at kawalang-hanggan Doon sa l’walhati ng Diyos. 5. Bilang alaala ng Kanyang laman, Tinapay ay tinatanggap. Tubig ay saksi na sa ’ting puso Tiwala kay Cristo’y ganap. 6. Dakila, mal’walhati’t sadyang ganap: Hangaring tayo’y matubos. Pag-ibig, awa at katarungan Ay nagtutugma nang lubos. Ang mga talata 1, 2, 5, at 6 ay natatanging angkop sa sakramento. Titik: Eliza R. Snow, 1804–1887 Himig: Thomas McIntyre, 1833–1914 Moises 4:1–2 Alma 42:14–15