168
Dakila’t Sadyang Kahanga-hanga
Maringal
1. Dakila’t sadyang
Kahanga-hanga
Ang gawain N’yo,
Hari ng Banal!
Sino’ng ’di gagalang
Sa Inyong ngalan?
Tanging Kayo lang ang
Dakila’t banal.
2. Inyong liwanag
T’yak na darating
Sa mga bansang
Saklaw ng dilim.
Katotohanan N’yo’y
Dalhin sa mundo,
Upang tanghaling Diyos
Ng bawat tao.
Titik: Henry U. Onderdonk, 1789–1858; ibinatay sa Apocalipsis 15:3–4
Himig: Ipi. na kay Johann Michael Haydn, 1737–1806