136
Ako’y May Gawain Pa
May sigla
1. Ako’y may gawain pa,
Habang may araw,
Sa akin at sa kapwa,
Habang may araw.
Bawat wikang ’di mabuti,
Pipigiling may layunin.
Bawat tungkuli’y tutupdin
Habang may araw.
2. Ang wika ng pag-ibig,
Habang may araw,
Dapat sa ’ki’y marinig,
Habang may araw.
Tutulong sa may kailangan,
Sa kapwa’y mamamagitan,
Gagabay sa nawawalay
Habang may araw.
3. Sa aking paglalakbay,
Habang may araw,
Diyos ay susunding tunay,
Habang may araw.
Sala ay pagsisisihan,
Babaguhin kamalian
Kung biyaya’y makakamtan,
Habang may araw.
Titik: Josephine Pollard, 1834–1892
Himig: William J. Kirkpatrick, 1838–1921