129 Mga Kampana’y Narinig sa Araw ng Pasko May pagninilay 1. Mga kampana’y narinig, Hatid ang pamaskong himig, Hangarin sa bawat tao: “Kapayapaan sa mundo.” 2. Patuloy na naririnig Ang awit sa buong daigdig, Hangad ng bawat Krist’yano: “Kapayapaan sa mundo.” 3. Buong lungkot kong napuna, Kapayapaa’y ’di dama. Galit ang s’yang nasa puso Ng bawat tao sa mundo. 4. Ngunit kampana’y tumunog, “Ang Diyos ay ’di natutulog, Ang maghahari nang husto: Kapayapaan sa mundo.“ 5. Lahat ay magsipag awit, Liwanag sa mundo’y hatid. Dalangin ng bawat puso: Kapayapaan sa mundo. Titik: Henry Wadsworth Longfellow, 1807–1882: Himig: John Baptiste Calkin, 1827–1905 Lucas 2:14 Doktrina at mga Tipan 3:1–3