Musika
Ako ay Namangha


115

Ako ay Namangha

May pagninilay

1. Ako ay namangha sa pag-ibig ni Jesus,

Humanga sa pagpapalang alay N’yang lubos,

Na dahil sa ’kin S’ya’y ’pinako at namatay,

Sa akin S’ya’y nagdusa’t nag-alay ng buhay.

[Chorus]

O kahanga-hangang minahal N’ya ako’t

Buhay N’ya’y ’binigay!

O kahanga-hanga para sa akin!

2. Mula sa banal na luklukan S’ya’y bumaba

Upang iligtas ang ’sang tulad kong may sala,

Nang ang tulad ko’y bigyan N’ya ng pagmamahal,

Sapat upang tubusin N’ya at gawing banal.

[Chorus]

O kahanga-hangang minahal N’ya ako’t

Buhay N’ya’y ’binigay!

O kahanga-hanga para sa akin!

3. Kamay N’ya’y pinako bilang pambayad-sala,

Malilimot ba Kanyang pag-ibig at awa?

Papuri’t pagsamba sa Kanya’y ibibigay,

Hanggang sa Kanyang paanan ay iaalay.

[Chorus]

O kahanga-hangang minahal N’ya ako’t

Buhay N’ya’y ’binigay!

O kahanga-hanga para sa akin!

Titik at himig: Charles H. Gabriel, 1856–1932

Mosias 3:5–8

Juan 15:13