Musika
Tutungo Ako Saanman


171

Tutungo Ako Saanman

Matatag

1. Marahil ‘di sa kabundukan

O dagat na may unos,

Marahil ay ‘di sa digmaan

Ako kailangan ng Diyos.

Ngunit kung ako’y tawagin

N’ya Sa ‘di kilalang landas,

Tugon ko sa Diyos nang buong puso:

Saan man ako’y tutungo.

[Chorus]

Tutungo ako saan man, O Diyos,

Sa kabundukan man o dagat;

Bibigkasin ko ang Inyong nais,

Susundin ang Inyong utos.

2. Marahil may nais si Jesus

Na dapat sabihin ko;

Marahil mayro’ng nagkasala

Na dapat hanapin ko.

O Diyos, kung Kayo’y patnubay ko,

Mahirap man ang landas,

Tinig ko’y alinsunod sa Inyo:

Nais N’yo’y bibigkasin ko.

[Chorus]

Tutungo ako saan man, O Diyos,

Sa kabundukan man o dagat;

Bibigkasin ko ang Inyong nais,

Susundin ang Inyong utos.

3. Sa daigdig ay mayro’ng pook

Na dapat tunguhin ko,

Kung sa’n ako ay maglilingkod

Para kay Jesucristo.

Tiwala’y lubos sa Panginoon

Na iniibig ako, Tapat ang puso na magsisikap:

Susundin ko ang utos N’yo.

[Chorus]

Tutungo ako saan man, O Diyos,

Sa kabundukan man o dagat;

Bibigkasin ko ang Inyong nais,

Susundin ang Inyong utos.

Titik: Mary Brown, 1856–1918

Himig: Carrie E. Rounsefell, 1861–1930

1 Nephi 3:7

Doktrina at mga Tipan 4:2