1. Buhay ay pagbutihin
Sa bawat sandali,
Habang mayro’n pang araw,
Kumilos nang dagli.
’Pagkat ’di maaaring
Araw patagalin,
At ang gabi’y ’di natin
Maaring pigilin.
2. Ang pagdaan ng oras
Ay sadyang kay tulin,
MInsang ito’y lumipas
’Di m’aring ulitin.
Kung tayo’y ’di maagap,
Tayo’ng mawawalan,
Dito sa sandaigdigan;
Buhay napaparam.
3. Ang tag-araw, lilipas,
Ulan ay darating;
Ligaya sa ’ting puso,
Ay lumilipas din.
Magsikap bawat araw,
Buhay paunlarin,
Nang tayo’y makatulong
At sala’y gapiin.
4. Buhay ay pagbutihin,
Dito’y katiyakan,
Ligtas ka’t may biyaya,
Sa ’yong kaagapan.
Bawat kilos, gamitin,
Katapata’t dunong,
Diyos ang sa ’yo’y iibig,
At laging tutulong.