102
Aba Naming Kahilingan
May pagpapakumbaba
1. Aba naming kahilingan,
Diyos, Espiritu’y iwan.
Sa ’ming pagbasbas ngayon ng
Tubig at ng tinapay.
H’wag hayaang malimutan
Ang pagdurusa Ninyo
Nang ang puso N’yo’y pinaslang
D’on sa krus sa Kalbaryo.
2. Puso namin ay turuang
Magpatawad, magmahal.
Panalangin nami’y dinggin
Sa luklukan N’yong banal.
At kung mapatunayan na
Karapat-dapat kami,
Diyos, nawa kami’y hayaang
Matanggap ang l’walhati.
Titik: Mabel Jones Gabbot, p. 1910. © 1948 IRI
Himig: Rowland H. Prichard, 1811–1887