Musika
Hatinggabi nang Dumating


126

Hatinggabi nang Dumating

Maningning

1. Hatinggabi nang dumating,

Ang mal’walhating awitin.

Mga anghel sa kalangitan,

Tinig nila’y kay lambing:

“Kapayapaan sa daigdig,

At pagpapala sa tao,

Handog ng Haring nasa langit“

Sa tahimik na mundo.

2. Patuloy na dumarating

Ang mga anghel ng langit.

Sa ingay ng mundong may hapis,

Awit nila ay dinig.

Sa kalungkutan at pighati

Sila’y t’winang nagmamasid.

At sa tunog ng kamunduhan,

Dinig ang kan’lang tinig.

3. Ang panaho’y nalalapit,

Wika ng mga propeta;

Takdang oras, sadyang sasapit,

Asam at mithi nila.

Sa bagong lupa’t bagong langit,

Si Jesucristo ang Hari,

Buong daigdig, ‘binabalik,

Ang sa anghel na awit.

Titik: Edmund H. Sears, 1810–1876

Himig: Richard S. Willis, 1819–1900

Lucas 2:8–17

Alma 5:50