107
Jesus ng Nazaret, Aming Hari
May pagsamba
1. Jesus ng Nazaret,
Aming Hari
Na sa kamatayan
Ay nagwagi
Nilisan ang langit
At nag-alay
Ng gawaing banal,
At ng buhay.
2. Habang ang tinapay
Kinakain,
Buong galang Kayong
Iisipin.
Naghirap sa burol
Ng kalbaryo;
Sa puso’y gunita,
Pagdusa N’yo.
3. Habang tinatanggap
Ang inumin,
Ngalan Ninyo’y aming
Pupurihin.
Habang buhay, kami’y
Patnubayan
Hanggang makamtan ang
Walang hanggan.
Titik at himig: Hugh W. Dougall, 1872–1963