1. O Jesus, maging gabay ko,
Sa buhay na kaygulo;
Mga along kaylaki,
May panganib na hatid.
Tanto N’yo’ng landas ng buhay;
Sa ’kin ay maging gabay.
2. Tulad ng inang kay-amo
Ang anak, inaalo;
Dagat ma’y tatalima,
Utos N’yo’y “Pumayapa!”
O Hari ng karagatan;
Ako sana’y gabayan.
3. Sa pampang, bago sumapit,
Alon ay nagngangalit,
Hadlang sa ’king pahinga;
O sabihin N’yo sana,
“H’wag ka nang mahintakutan:
Akin kang gagabayan.”
Titik: Edward Hopper, 1818–1888
Himig: John Edgar Gould, 1822–1875