83 Jesus, ang Inyong Alaala Mapitagan 1. Jesus, ang ’Nyong alaala, Dulot ay ligaya; Ngunit kung kapiling t’wina Ay mas mainam pa. 2. Hindi kayang ilarawan Ng puso’t isipan Ang katagang mas matamis Sa Inyong pangalan. 3. O pag-asa at ligaya Ng sangkatauhan, O kaybait sa may sala At nangangailangan! 4. Tanging ligaya’y sa Inyo, Jesucristong asam, L’walhati namin ay Kayo Magpakailanpaman. Titik: Ipi. na kay Bernard ng Clairvaux, mga 1091–1153; isi. ni Edward Caswall, 1814–1878 Himig: John B. Dykes, 1823–1876 Awit 104:34 Enos 1:27