20 Unang Panalangin ni Joseph Smith May dangal 1. O kay ganda ng umaga! Araw ay sumisikat! Mga ibong umaawit, Himig ay anong tamis. Sa lilim ng mga puno, Nanalangin si Joseph, Sa lilim ng mga puno, Nanalangin si Joseph. 2. Lumuhod at nagsumamo Sa kanyang panalangin, Nang lakas ng kadilima’y Nagtangkang s’ya’y gapiin. Ngunit s’ya’y hindi natakot, Nagtiwala s’ya sa Diyos. Ngunit s’ya’y hindi natakot, Nagtiwala s’ya sa Diyos. 3. Nang bigla ay may liwanag, Na higit sa tanghali; At ang mal’walhating sinag, Ay kay Joseph lumagi. At sa kanya’y nagpakita, Diyos Ama at ang Anak, At sa kanya’y nagpakita, Diyos Ama at ang Anak. 4. “Joseph, dinggin mo ang tinig Ng aking Ginigiliw.” Tinugon, kanyang dalangin, At sa Diyos s’ya’y nakinig. Kayligaya ng damdamin At nakita n’ya ang Diyos; Kayligaya ng damdamin At nakita n’ya ang Diyos. Titik: George Manwaring, 1854–1889 Himig: Sylvanus Billings Pond, 1792–1871; ini. ni A.C. Smyth, 1840–1909 Joseph Smith—Kasaysayan 1:14–20, 25 Santiago 1:5