85
Banal na Espiritu
Malumanay
1. Banal na Espiritu,
Turo’y katotohanan,
Saksi kay Jesucristo,
Liwanag sa isipan.
2. Banal na Espiritu,
Tinig N’ya ay pakinggan,
Landas ay Ituturo
Tungo sa kalangitan.
3. Hayaang bigyang lunas,
Puso nating may lumbay.
Kaniig hanggang wakas,
Kung mat’wid ating buhay.
Titik: Penelope Moody Allen, p. 1939. © 1985 IRI
Himig: Martin Shaw, 1875–1958. © 1915 ng J. Curwen & Sons, Ltd.
Nilathala nang may pahintulot ng mga ahente ng G. Schirmer, Inc., E.U. Ang paggawa ng mga kopya nang walang kasulatang pahintulot mula sa may-ari ng karapatang-sipi ay ipinagbabawal.