91
Dalangin sa Paglisan
May pananalangin
1. Dalangin sa paglisan,
Diyos, kami po’y basbasan;
Itanim sa ’ming puso
Ang bawat itinuro.
2. Sa murang isip namin,
Ang batas N’yo’y susundin,
Gabayan, aming landas,
At kami’y bigyang lakas.
3. O Amang maawain,
Sa pagsisikap namin,
Sa ’ming paglingkod sa ’Nyo,
Ligaya ay matanto.
4. Patawarin N’yo nawa,
Lahat ng aming sala.
Tulungang maging wasto,
At iligtas sa tukso.
Titik: George Manwaring, 1854–1889
Himig: Benjamin Milgrove, 1731–1820; ina. ni Ebenezer Beesley, 1840–1906