Musika
Pag-ibig sa Tahanan


183

Pag-ibig sa Tahanan

Mataimtim

1. Kay ganda ng paligid Kung may pag-ibig;

May tuwa bawat himig Kung may pag-ibig.

Payapa’t masagana, May ngiti bawat isa;

Panaho’y maligaya Kung may pag-ibig.

Pag-ibig sa tahanan.

Panaho’y maligaya Kung may pag-ibig.

2. Ang tahana’y marikit Kung may pag-ibig;

Walang galit at inggit Kung may pag-ibig.

May rosas sa paligid, Ang mun-do’y isang hardin.

Buhay ay anong tamis Kung may pag-ibig.

Pag-ibig sa tahanan.

Buhay ay anong tamis Kung may pag-ibig.

3. May ngiti’ng kalangitan Kung may pag-ibig;

Tao’y nagmamahalan Kung may pag-ibig.

Batis ay umaawit. Kay liwanag ng langit,

May Isang nakangiti Kung may pag-ibig.

Pag-ibig sa tahanan.

May Isang nakangiti Kung may pag-ibig

Titik at himig: John Hugh McNaughton, 1829–1891

Mosias 4:14–15

Eclesiastes 9:9

Print