1. Guro, bagyo’y nagngangalit!
Mga alo’y kaytaas!
Ang langit wala nang liwanag,
Kanlungan ay nasaan?
Buhay nami’y nanganganib,
Pa’nong nahihimbing?
May banta na sa ’lalim ng dagat
Kami ay malilibing!
[Chorus]
Hangi’t alon sa Inyo’y susunod:
Pumayapa.
Kahit unos ng karagatan
O d’yablo o tao o anupaman,
’Di lulubog ang barkong may lulan
Sa Panginoon ng sanlibutan.
Lahat sa Inyo ay susunod:
Pumayapa; pumayapa.
Lahat sa Inyo ay susunod:
Pumayapa.
2. Guro, may hapis sa puso,
Ako ay nalulumbay.
Dibdib ay lubhang may ligalig,
Saklolo N’yo’y ibigay!
Daloy ng sala at takot
Sa ’ki’y bumabalot,
At ako’y nalulunod!
O Guro, Pawiin N’yo ang salot!
[Chorus]
Hangi’t alon sa Inyo’y susunod:
Pumayapa.
Kahit unos ng karagatan
O d’yablo o tao o anupaman,
’Di lulubog ang barkong may lulan
Sa Panginoon ng sanlibutan.
Lahat sa Inyo ay susunod:
Pumayapa; pumayapa.
Lahat sa Inyo ay susunod:
Pumayapa.
3. Guro, pangamba’y wala na,
Bagyo ay humupa na.
Payapa ang tubig sa lawa,
At puso’y anong sigla.
Nawa Kayo’y manatili,
H’wag nang lumisan pa,
Maligayang pampang sa sapit,
Doo’y magpapahinga.
[Chorus]
Hangi’t alon sa Inyo’y susunod:
Pumayapa.
Kahit unos ng karagatan
O d’yablo o tao o anupaman,
’Di lulubog ang barkong may lulan
Sa Panginoon ng sanlibutan.
Lahat sa Inyo ay susunod:
Pumayapa; pumayapa.
Lahat sa Inyo ay susunod:
Pumayapa.
Titik: Mary Ann Baker, ca. 1874
Himig: H. R. Palmer, 1834–1907