80 Kabanalang Lalo, Aking Kahilingan May panalangin 1. Kabanalang lalo, Ang kahilingan, At sa kasalanan Ay kalungkutan, Lalong pananalig Sa Manunubos, Sa paglilingkod ko’y Ligayang lubos. 2. Puso ko’y gawaran Ng pasalamat, Pag-asa’t ligaya Sa l’walhati N’ya; Sa Kanyang dinanas, Luha at dusa; Sa mga pagsubok, Magpakumbaba. 3. Ako’y dalisayin, Bigyang lakas din, Bigyang pagnanasang Langit marating; Mas karapat-dapat Sa kaharian, Mithiing si Cristo Ay matularan. Titik at himig: Philip Paul Bliss, 1838–1876 3 Nephi 12:48 3 Nephi 27:27