Musika
Amang Walang Hanggan


104

Amang Walang Hanggan

May pagsamba

1. Amang Walang Hangganan,

Nasa kalangitan,

Sa pangalan ni Cristo,

Nawa ay basbasan

Ang tubig at tinapay

Kung puso’y dalisay

Nang aming maalala,

Banal Ninyong alay.

2. Dakilang pag-aalay,

Bilang bayad-sala,

Dito ang sakramento

Nagsisilbing tanda

Nang mapatotohanan,

Kanyang pagdurusa,

Espiritu’y makamtan,

Puso’y magkaisa.

3. Si Jesus na Hinirang,

Nang dito’y manaog

At buhay N’ya’y inalay

Nang tayo’y matubos

Wala mang kagandahan

Upang S’ya’y naisin

S’ya ang Tagapagligtas,

Dadalisay sa ’tin.

4. Karunungang kaylawak,

Kabanalang balak

Upang ang kaligtasan

Nati’y maging ganap,

At Diyos dito’y nanaog

Upang maging tao

At namatay S’ya upang

Iligtas ang mundo.

Titik: William W. Phelps, 1792–1872

Himig: Felix Mendelssohn, 1809–1847

Doktrina at mga Tipan 20:77, 79

Isaias 53:2–5