Musika
Sabihin, Ano ang Katotohanan


173

Sabihin, Ano ang Katotohanan

May tatag

1. Sabihin, ano ang katotohanan?

Sa mundo’y pinakamaganda.

Halaga’y higit pa sa lahat ng yaman

Kung maging ang koronang pinakaasam

Ay mistulang walang halaga.

2. Katotohana’y pinakamaningning

Na gantimpalang mahahangad.

Ito ay sa kailaliman mo hanapin,

O kaya’y sa kaitaasan mo tunguhin,

Asam na pinakamarangal.

3. Ang kapangyarihan ng maniniil,

Mapapawi ng katarungan,

Ngunit katotohana’y mananatili,

Unos at sigwa’y ’di ’to kayang magapi,

Tanggulang kay tatag kailanman.

4. Katotohanan ang huli at una,

’Di mababago ng panahon.

Langit ma’y pumanaw, at mundo’y magiba,

Ang katotohana’y hindi masisira;

Buhay nati’y ito ang layon.

Titik: John Jaques, 1827–1900

Himig: Ellen Knowles Melling, 1820–1905

Doktrina at mga Tipan 93:23–28

Juan 18:37–38