1. O awit ng puso, Ating aawitin
Sa muli nating pagtatagpo.
Sa piling ng mga Pinagpalang madla
’Di na tayo pa maglalayo!
Sa’ting pagtatagpo, O awit ng puso,
Ang ating aawitin dito.
2. ’Di man maibigkas Ang kaligayahan,
Tayo’y aawit at sisigaw,
Sa pagbating halik Yakap na kay higpit
Ng yumaong mahal sa buhay;
Sa pagbating halik At ligayang sambit
Ng yumaong mahal sa buhay.
3. Mga pangitaing Ating matatanaw,
’Di maibigkas ng Isipan.
Ngunit ating galak Sa kalul’wa’y ganap
Sa awit ng puso ay wagas;
Ngunit ang ligaya Sa’ting makikita,
Nasa awit ng pusong wagas.
4. O anong awitin! O anong pagtanggap!
Ang doo’y ating maririnig.
Puso nati’y galak, Sa ating pagyakap
Sa ating magulang sa langit!
Puso nati’y galak, At awiti’y ganap
Sa magulang natin sa langit!
Titik: Joseph L. Townsend, 1849–1942
Himig: William Clayson, 1840–1887