149 O Mga Sundalong Sakop ni Cristo May tapang 1. O mga sundalong Sakop ni Cristo, Sa digmaa’y sulong! Lumaban tayo. Panginoong Cristo Ang mamumuno, Sugod sa digmaan At h’wag susuko! [Chorus] O mga sundalong Sakop ni Cristo, Sa digmaa’y sulong! Lumaban tayo. 2. Sa ating pagsulong, Diablo’y aatras; Tayo’y magpatuloy Hanggang sa wakas. Imp’yerno’y may takot Sa ’ting pag-awit, Iangat ang tinig, Hanggang sa langit. [Chorus] O mga sundalong Sakop ni Cristo, Sa digmaa’y sulong! Lumaban tayo. 3. Hukbong kaydakila, Simbahan ng Diyos; Landas nating tahak, Sagradong lubos. Ating mga puso’y Nagkakaisa Sa doktrina’t pag-ibig At sa pag-asa. [Chorus] O mga sundalong Sakop ni Cristo, Sa digmaa’y sulong! Lumaban tayo. 4. Sulong, mga tao, Sa ’miy umanib; Tagumpay at awit, Tinig ay tigib. L’wahati’t papuri Sa Haring Cristo, Magpakailanman ay Alay ng tao. [Chorus] O mga sundalong Sakop ni Cristo, Sa digmaa’y sulong! Lumaban tayo. Titik: Sabine Baring-Gould, 1834–1924 Himig: Arthur S. Sullivan, 1842–1900 Deuteronomio 31:6 II Kay Timoteo 2:3