64
Ang Pag-ibig ng Ating Tagapagligtas
Mapitagan
1. Ang pag-ibig
Ng ating Tagapagligtas,
Nagniningning,
Katulad ng araw.
Tumatanglaw
Sa landas tungo sa Kanya,
Kung sa’n buhay
Nati’y walang hanggan.
2. Espiritu,
Ang tinig ng kabutihan,
Sa puso ay
Bulong na marahan.
Ang pag-asa’y
Pumapawi ng pangamba.
Hanggang tayo’y
Naro’n sa piling Nya.
3. Aming ama,
Diyos ng lahat, kami’y dinggin,
Namamangha
Sa alay ni Cristo.
Nagpupuri,
Utos Ninyo ay susundin.
Sa ’ming Hari,
Puso’y nagbubunyi.
Titik: Edward L. Hart, 1916–2008. © 1977 IRI
Himig: Crawford Gates, 1921–2018. © 1977 IRI