33 Panginoo’y Hari! May lakas 1. Panginoo’y Hari! Magdiwang, sumamba! Tao’y magpuri at Magtagumpay t’wina. [Chorus] Magdiwang ka! Umawit ka! Muli nga ay magdiwang pa! Magdiwang ka! Umawit ka! Muli nga ay magdiwang pa! 2. S’ya ay maghahari, Diyos ng pagmamahal. Nang tayo’y matubos, ’Tinanghal S’yang banal. [Chorus] Magdiwang ka! Umawit ka! Muli nga ay magdiwang pa! Magdiwang ka! Umawit ka! Muli nga ay magdiwang pa! 3. Hindi magugunaw Kanyang kaharian. Napagtagumpayan N’ya ang kamatayan. [Chorus] Magdiwang ka! Umawit ka! Muli nga ay magdiwang pa! Magdiwang ka! Umawit ka! Muli nga ay magdiwang pa! Titik: Charles Wesley, 1707–1788 Himig: Horatio Parker, 1863–1919 Awit 148 Doktrina at mga Tipan 128:23